FANDOM


Karakter:

Ricky - Tagapagsalaysay. Baliw na karelasyon at kalive-in ni Michael. Dating Production Designer sa CCP.

Michael - Karelasyon ni Ricky. Nagtatrabaho sa iasng Personnel Department ng isa Ad Agency sa Vito Cruz.


Banghay:

Nagsimula ang kwento sa pagsasalaysay ni Ricky ng pagkakakilanlan nila ni Michael simula pagkabata hanggang sa kolehiyo. Pareho silang tubong Butuan, Agusan Del Norte. Pagkatapos nila sa kolehiyo ay pumunta sila ng Maynila para makipagsapalaran. Sinalaysay ni Ricky ang relasyon nila ni Michael na mag-asawa, magsyota, magkalive-in, at lahat na. Si Michael ay nagtatrabaho sa isang ad agency at si Ricky ay dating production designer sa CCP. Si Ricky ay napatalsik sa trabaho dahil sa mga nahihibang nitong artistik na ideya. Nang nawalan siya nang trabaho ay siya na ang nagasikaso sa gawaing bahay nila ni Michael, habang ang kanyang karelasyong si Michael ang nagtatrabaho para sa kanila. Isang umaga sa kanilang tinitirahan, napansin ni Michael na kinakalawang na ang kanilang ref, noon naisip ni Ricky na sorpresahin niya si MIchael na pinturahan ang kanilang ref. Nang umalis na si Michael, bumili na siya ng pinturang kulay scarlet red at isang brush at dali-daling umuwi. Pininturahan niya na ang ref pagdating sa bahay, sa kanyang labis na katuwaan sa pagpipinta lahat ng mga nakitang niyang bagay na hindi maganda sa kanyang pagtingin ay kanyang piniturahan. Nang dumating si Michael mula sa trabaho, inakala niyang ang kanyang pinasukang tirahan ay hndi na sa kanya dahil sa labis na pinagiba nito. Nang makita niya ito ng lubusan, naluha siya dahil sa kanyang pag-aakala na si Ricky ay nagbago na at naging magaling na mula sa kanyang sakit sa utak. Nang makita ni Ricky ang mga luha ni Michael, pininturahan niya rin ang mga ito hanggang maubos ang lamang pintura.


Paksa at Tema:

Ang maikling kwento ay tumatalakay ng homosekswal na istorya at ang paglalathala ng pagsasama ng isang magkarelasyon. Tinatalakay rin nito ang mga bagay na maaring maharap sa magkarelasyon.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.